Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks raragasa pa; Ravena reresbak

0 128

Puntirya ni Bobby Ray Parks Jr. at ng Nagoya Diamond Dolphins ang third straight win sa pagharap sa SeaHorses Mikawa sa 6th B.League 2021-22 regular round ngayong Sabado ng alas-alas-2:05 nang hapon (Manila time) sa Wing Arena Kariya City sa Aichi Prefecture, Japan.

Nasa back-to-back wins ang Dolphins at kasalo sa triple-tie sa fourth spot West districk standing sa 7-5 win-loss slate ang Hirsohina Dragonfly at Shinshu Brave Warriors. Solo third ang SeaHorses sa 8-4.

Sumapat na ang kontribusyong 7-point, 3-rebound at 2-assist ng Pinoy import nang itaob ang Dragonfly 82-76 nong Miyerkoles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Asinta naman nina Kiefer Isaac Ravena ng Shiga Lakerstars at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena ng San-Ex NeoPhoenix na makakalas sa tig-apat na mga semplang sa pakikipagsalpukan sa magkahiwalay na oposisyon sa araw ring ito.

Kasagupa ng running-seventh Lakestars (6-6) si Matthew Aquino ng Brave Warriors sa nasabi ring oras sa White Ring Arena sa Nagano City.

Nasa landas naman ng nasa ninth place na NeoPhoenix (3-9) si dating Ateneo Blue Eagles teammate Dwight Ramos at Toyama Grouses na kasosyo sa pang-10 puwesto (2-10) sa Toyama City Gymnasium sa alas-5:05 nang hapon. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.