Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks sinungaling! MVP, Vargas nagalit

0 310

May alok na ang TNT na maximum basic P420K monthly salary o P10.8M, two-year contract extension kay Bobby Ray ‘Ray-Ray’ Parks Jr. pagka-expire ng kanyang one-year deal sa nagdaang taon.

Pero nang mabatid ng anak ni late seven-time PBA Best Import Bobby Parks, naputol na lang ang initial negotiations.

Iniulat ng Abante Lunes na humihiling ang 28-year-old, 6-foot-4 guard sa ilang agent nang tumataginting na P1M kada buwan, lampas sa salary cap na binibigay ng liga.

Mataas pa rin sa maximum noon na P500K bago binaba sa kasalukuyang halaga.

Sinopla na sa nakalipas na dalawang araw ang Parañaque-born Fil-Am nina Tropang Giga owner Manuel Pangilinan at governor Victorico Vargas sa paghayag na magpapahinga muna sa paglalaro sa 46th PBA Philippine Cup 2021 na magbubukas sa April 9 pagkalipas ng ika-36 na edition ng online Draft sa Linggo.

Aniya pa, aasikasuhin niya ang kanyang pamilya.

“He is not truthful and is not transparent and that pissed us off,” nagngingitngit na bulalas ni Vargas Linggo sa incoming fifth-year pro.

Unang naimbiyerna sa player si Pangilinan nang i-post sa kanyang Facebook at i-tweet ang paglilimayon lang sa San Juan, La Union beach ng player kasama si national surfer Roger Casugay. Sa pagkakaalam nila na sa US pa habang nakikipagnegosasyon si parks sa team.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.