Abante Tonite Interactive

Parks-Slaughter trade ‘binaril’ ng mga fan

921

Kahit lelembot-lembot sa loob ng court, gusto pa rin ng mga Ginebra fan si Greg Slaughter at ayaw sa umuugong na ite-trade na ito sa TNT kapalit ng nag-aalburoto roong si Bobby Ray Parks Jr.

Atat nang umeksit ni Parks sa TNT dahil ‘di umano maganda ang trato sa kanya ng team. Nais niyang lumipat sa Ginebra.

Pero binaril agad ito ng ilang loyalist ng pinakasikat na koponan sa professional cage league.

‘Di sila sang-ayon sa nasabing post. Anila, ‘di papayag ang SMC company sa request ng MVP group.

“Aanhin ng Ginebra si Parks may (Jerrick) Balanza at (Stanley) Pringle na. Hahaha better gs+1 to cs. Haha mawawalan sila ng pang ilalim.
Magigimg security agency na naman sila. Hahaja,” tweet ni netizen @KeRoBinTv1.

Tutol din si @mattherchrist25, “that is “no way”…… Tim Cone will never accept that… Becoz he wants Greg to check JMF…And no other can stop JMF…Except Greg…”

“Naku pakawalan kaya ng SmC group si Greg?” tanong ni @rondeduyo.

May 20.11 points, 5 rebounds at 3.56 assista na average si Parks sa maikling panahon niya sa KaTropa, samantalang may 10.63 pts., 7 rebs. at 0.63 ast. average naman si Greg sa Gin Kings. (Aivan Denzel Episcope)