Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parks walang kawala sa TNT

0 128

Tapos na ang kontrata ni Ray-Ray Parks sa TNT pero hindi pa ibig sabihin na puwede na siyang tumalon sa ibang team.

Under negotiation ang contract ni Parks, nag-expire nang matapos ang 2020.

Sa lumalabas na ulat, wala pang bagong kontrata.

Hindi pa nakakapirma ang 27-year-old, nagsabi sa kanyang social media account na hindi muna siya maglalaro sa PBA sa papasok na 46th season.

Dinahilan ng guard/forward na may personal na bagay siyang aasikasuhin.

Kung gugustuhin niyang malipat sa ibang team, isang malaking ‘teka muna’ ang mangyayari.

SM food to go Banner Ad

Wala siyang kontrata sa TNT, pero hawak ng Tropang Giga management ang rights.

Puwedeng papirmahin ng TNT si Parks bago i-trade.

Maliban kung hindi maghahabol ang team, pababayaan siyang ma-release na lalabas ay unrestricted free agent. Pero hindi ganu’n ang kalakaran.

Maaari siguro siyang maglaro abroad, pero hindi rin naman ganu’n kadaling pumasok sa ibang liga lalo’t may pandemic pa at tengga ang karamihang liga.

Magbubukas ang unang Asia’s play-for-pay hoop sa darating na April 9 makaraan ang ika-36 na edisyon ng Draft sa March 14 na idaraos via virtual muna sanhi pa rin ng pandemic(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.