Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parlade kinondena sa media red-tagging

0 246

Naglabas ng pahayag ang Justice and Court Reporters Association (JUCRA) kung saan kanilang kinondena si Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. dahil sa pagbabanta umano na kakasuhan ang isang mamamahayag kaugnay ng artikulong sinulat nito.

Ito’y matapos iulat ni Tetch Torres-Tupas ang tungkol sa inihaing petisyon sa Korte Suprema ng grupo ng mga Aeta, na pagbibigay umano ng suporta sa mga terorista.

Tinawag ni Parlade si Tupas na “propagandista” uano dahil sa artikulo na may titulong “Tortured Aetas seek SC help against anti-terror law”.

“Congratulations for a sloppy work Tetch Torres-Tupaz of Inquirer.net. You did not even bother to check the side of the AFP and govt if what you are reporting is true or FAKE. Propagandista. No such thing happened. That unit is not even there but in Davao,” sabi ni Parlade sa kanyang Facebook post.

Ayon sa JUCRA, kung binasa lamang ni Parlade ang artikulo, malalaman niya na ito ay ibinase sa petisyon na inihain sa SC.

Dagdag ng JUCRA, maliban sa pag-red tag ni Parlade kay Tupas, binantaan pa umanong kakasuhan ito dahil lang sa pagganap nito sa trabaho. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.