Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parlade panis mga paratang!

0 218

Pumalag ang apat na unibersidad sa bansa matapos na mapabilang sa pinangalanan ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na umano’y `breeding ground’ para sa recruitment ng mga rebeldeng komunista.

Nitong Linggo, Enero 24, naglabas ng joint statement ang mga pamunuan ng Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), University of Santos Tomas (UST), at Far Eastern University (FEU) kung saan iginiit na luma na at walang sapat na basehan ang paratang ni Parlade.

“According to news reports, Lieutenant General Antonio Parlade Jr of the NTF-ELCAC issued a statement yesterday alleging that 18 universities, including ours, are recruitment havens for the New People’s Army. This charge, though, is really “getting old”—a rehash of the public accusation the general made in 2018—irresponsibly since cast without proof,” ayon sa pahayag.

Si Parlade ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC).

SM food to go Banner Ad

“We therefore object to General Parlade’s statement and emphasize that our institutions neither promote nor condone recruitment activities of the New People’s Army and, indeed, of any movement that aims to violently overthrow the government,” ayon pa sa pahayag.

Lorenzana, Concepcion maghaharap

Kakausapin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si UP president Danilo Concepcion ukol sa pagpapawalang bisa ng kasunduan sa unibersidad.

Ayon kay Lorenzana, kinumbinsi siya ng mga indibiduwal na kanyang nirerespeto na makipag-usap kay Concepcion na hindi umano niya matanggihan.

“I have asked a friend to facilitate my meeting with Atty. Concepcion sometime next week,” pahayag ni Lorenzana. (Dolly Cabreza/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.