Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parlade pinasisibak ng 14 senador

0 368

Labing-apat na senador na ang lumagda sa isang draft resolution para kondenahin si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade kaugnay sa red-tagging nito sa ilang indibidwal at nakababastos na komento laban sa mga mambabatas.

Lumagda sa resolusyon sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senators Nancy Binay, Grace Poe, Sherwin Gatchalian, Leila de Lima, Richard Gordon, Risa Hontiveros, Joel Villanueva, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan, Aquilino “Koko” Pimentel III, Pia Cayetano at Franklin Drilon.

Binanggit din sa resolusyon ang conflict sa posisyon ni Parlade bilang Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief at tagapagsalita ng NTF-ELCAC.

Ang posisyon ni Parlade ay salungat umano sa Article 16, Section 5 ng 1987 Constitution na nagsasaad na walang aktibong miyembro ng AFP na itatalaga sa anumang kapasidad sa isang sibilyan na posisyon sa gobyerno.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Samantala, sa isang panayam sa radyo ay nag-sorry si Parlade sa pagtawag sa ilang senador na “stupid”.

Sinabi ni Parlade na handa siyang makipag-usap sa mga mambabatas higgil sa mga isyu sa NTF-ELCAC.

“Yes, I’d like to reach out to our senators, huwag namang ganyanin nila ang Armed Forces, huwag naman nilang ganyanin ang mga spokesperson,” sabi ni Parlade. (Dindo Matining/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.