Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parlade: Sibakin ako, huwag na idamay NTF-ELCAC

0 365

Handa si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na masibak sa kanyang puwesto bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) huwag lamang madamay ang pondo ng ahensya sa galit umano ng mga senador sa kanya.

“Haharap ako sa kanila. Ako na lang ang tanggalin nila. Kung ako lang ang problema nila, huwag na lang idamay `yong buong NTF-ELCAC specially `yong funding ng barangay development program,” sabi ni Parlade sa eksklusibong panayam ng programang “Diskusyon” sa Abante Radyo Sabado ng gabi.

Maraming barangay aniya ang nakikinabang sa mga proyekto ng NTF-ELCAC at para na ring tinapos ng mga senador ang pag-asa ng mga mamamayan sa programa ng gobyerno kapag binawi ang pondo.

“I am not picking a fight with these senators. May kanya-kanya tayong trabaho but sana mag-research sila ng mabuti bago magbitiw ng mga salita gaya ng imbecilic, stupid,” dagdag ni Parlade.

Naniniwala rin umano si Parlade na mayroong motibong political din ang ilang senador kaya napag-iinitan ang NTF-ELCAC dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang aniya ang nakagawa ng ganitong programa na dati ay hanggang salita lamang sa mga nakalipas na administrasyon at hindi naman natupad.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.