Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parlade: Utak ng community pantry parang si Satanas

0 719

Trending sa Twitter Philippines si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. matapos na tila ikumpara kay Satanas ang nagpasimula ng community pantry sa bansa.

Si Ana Patricia Non o AP Non ang nagsimula ng pag-usbong ng mga community pantry na tumutulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya. Itinayo niya ito sa Maginhawa Street sa Quezon City.

“Alam mo ba isang tao lang `yan `di ba? Isang tao lang si Ana. Same with Satan. Si Satan binigyan ng apple si Eve, doon lang nagsimula `yon,” wika ni Parlade tungkol sa pag-usbong ng mga community pantry sa panayam sa One News nitong Miyerkoles.

Magugunitang itinigil ni Non ang operasyon ng community pantry dahil sa takot matapos siyang i-red tag umano ng mga awtoridad pero muli itong ibinalik dahil sa suporta ng komunidad. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.