Abante Tonite Interactive

Parojinog inilipat sa Quezon City Jail

By
2,209

Inilipat na sa Quezon City Jail ang drug suspect na si Reynaldo Parojinog Jr. na unang ikinulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. John Bulalacao, dakong alas-otso ng gabi nitong Huwebes inilipat ng kulungan ang anak ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Si Parojinog Sr. ay napatay sa police raid kasama ang 14 na iba pa noong Hulyo 30, 2017.

Sinabi ni Bulalacao na ang paglilipat kay Parojinog Jr. sa Quezon City Jail ay batay sa commitment order na ipinalabas ni Judge Jessica Corazon Fama ng Quezon City Regional Trial Court Branch 79 na may petsang Mayo 9 kaugnay sa kasong pag­labag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pansamantalang ikinulong si Parojinog Jr. sa PNP Custodial Center habang kinukompleto ang preliminary investigation sa kanya kaya nang maisampa na ang kaso ay naglabas na ang korte ng commitment order para ilipat siya sa Quezon City Jail.