Abante Tonite Interactive

Parol simbolo ng Pasko

63

Ngayong panahon ng Kapaskuhan, karaniwang makikita sa mga bahay ang mga nakasabit na parol.

Ang parol ay nagmula sa mga Kastila nang ipinalaganap nila ang Kristiyanismo sa Pilipinas bilang tanyag na simbolo ng Paskong Pi­lipino. Katulad nito ang Christmas tree na ginagamit ng ibang bansa.

Ang parol ay isang mahalagang bahagi ng ating tradisyon. Ang salitang parol ay nagmula sa sali­tang Espanyol na ‘farol’, ‘lantern’ sa Ingles na orihinal na ginawa ng artesanong Francisco Estanislao noong 1928.

Gawa ito gamit ang kawa­yan, papel de Japon at kandila. Ang tradisyonal na parol ay hugis-butuin. Ginamit din ito bilang gabay papuntang ­Simbang Gabi.
Ito ay simbolo ng bituing gina­mit ng tatlong haring Mago papuntang Bethlehem, gabay papunta kay Hesus.

Makikita pa rin ngayon ang kahalagahan ng parol sa iba’t ibang lugar. Sa Pampanga, makikita ang mga malalaking pa­rol sa Ligligan Parul tuwing Disyembre.

Makikita rin sa Estados Unidos ang pa­rol sa mga bahay ng mga pamilyang Pili­pino-Amerikano. Ito rin ay sagisag ng pana­nampalataya at pag-asa ng Pilipinas ­tuwing Pasko.