Abante Tonite Interactive

Parreno, Rivera pinadapa ang NHA

163

Sa angas nina Paul Parreno at Ed Rivera, tinuloy ng Department of Environment and Natural Resources ang ragasa, sinagasaan ang National Housing Authority, 87-84 upang mawalis ang 8th UNTV Cup 2019 Group B eliminations nitong Miyerkoles, Nobyembre 6 sa Pasig City Sports Center.

Sinapawan ni Parreno ang limang kakuwadra sa DENR Warriors na mga naglista ng twin digits tapos ng buzzer-beater trey upang makawala sa 77-all para akbayan ang Warriors sa ika-5 sunod na panalo nila sa ligang para sa mga naglilingkod sa bayan.

Pasiklab naman ng 17 puntos si Ed Rivera para pangunahan ang produksyon ng DENR habang nagtambag ng tig-15 sina Melvin Ba­ngal at Arcgie Gamboa at pinagsamahang 21 markers sina Des Ayson (11) at Ryan Abanes (10).

Binoga ng Philippine National Police (1-3) ang Government Service Insurance System (0-5), 94-63, sa isa pang sagupaan sa nabanggit na grupo; at winasiwas ng Department of Agriculture ang Social Security System (0-5), 99-79 sa Group A sa ligang may pa-premyong P4M at binabalangkas ng UNTV sa pangunguna ng kanilang pnagulo at CEO na si Dr. Daniel Razon.
First Game

DENR 87 – Rivera 17, Bangal 15, Gamboa 15, Ayson 11, Abanes 10, Parreno 9, Lansang 8, Atablanco 2.

NHA 84 – Lustestica 27, Vitug 22, Mercado 16, J. Dizon 5, Prado 5, Alastoy 4, Tibay 3, Sumayang 2.

Quarters: 15-20, 38-34, 59-54, 87-84.
(Aivan Episcope)