Abante Tonite Interactive

Parrot na lookout ng tulak na amo, kalaboso

274

Damay ang isang parrot nang magsagawa ng drug raid ang mga awtoridad sa bahay ng hinihinalang tulak ng droga sa Brazil.

Sa nakalap na ulat, nahuli umano ng pulisya ang ibon na ina­alerto ang kanyang amo sa Vila Irma Dulce, isang komunidad sa capital ng Piaui ng nasabing bansa at sumigaw ng ‘Mum, the police’ sa wikang Portuguese.

Hinala ng pulisya, sinanay ang parrot na sakaling lumapit ang mga awtoridad ay sisigaw ito para alarmahin ang kanyang amo.

Dinala na sa isang local zoo ang tinaguriang drug trafficking parrot para turuang lumipad bago ito pakawalan.

Nabatid na ginagamit na ang ibon at ibang uri ng reptile sa drug trade sa Brazil.