Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parte ng China rocket natunton sa WPS

0 55

Kinumpirma ng Philippine Space Agency (PhilSA) na ang nasirang bahagi na bakal na narekober ng mga mangingisda sa West Philippine Sea ay bahagi ng Long March 5B (CZ-5B) rocket ng China.

Ayon sa PhilSA ang Long March 5 ay ‘heavy-lift launch vehicle’ na likha ng China Academy of Launch Vehicle.
Ito ay may dalang Wential Laboratory module mula sa Wenchang Launch Center sa Hainan Island, China.
Pinalipad ito noong Hulyo 24.

Sinabi ng PhilSA na ang Wential laboratory module ay bahagi ng effort ng China na magtayo ng Tiangong space station.
Ang nasabing module ay inaasahang magsisilbing tahanan ng mga serye ng mga experiment at extra sleeping quarter ng mga astronaut.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na noong Agosto 2 nakuha nila ang sirang bahagi sa West Philippine Sea, 100 miles mula sa Mamburao, Occidental Mindoro.

Una itong nakita ng mangingisda na may mga bahagi ng nakaimprenta na Chinese flag na bahagi ng marking ng rocket. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.