Abante Tonite Interactive

Parte ng lupa ibabahagi sa ilang kaanak

380

Dear Atty. Claire,
N­agbabakasakali lang po na masagot nyo ang aking tanong. Meron po akong lupa na nakatitulo sa akin nais ko pong ibigay ang ilang parte nito sa aking mga kamag-anak. Itatanong ko lang ‘pag ito po ba ay biniyak at ibibigay ko ang ilang bahagi ang matitira po ba sa akin ay pagagawan ko pa uli ng titulo ang matitira sa akin na bahagi.
Maraming salamat po.
Ahl

Mr. Ahl,
Tama ka, kapag pinahati mo ang lupa mo ay kakailanganin mo ng isang geodetic engineer na siyang magsa-survey ng iyong lupa. Siya ang gagawa ng bagong survey plan kung saan nakalagay ang technical description ng lupang nahati.

Kakailanganin na ma-approve ang survey plan na ito ng Land Registration Authority upang maging ganap na mapatitulohan ang lupang hinati. Ang bawat parte ng lupa ay magkakaroon na ng kanya-kanyang titulo.

Hindi mo mahahati ang lupa mo ng hindi magkakaroon ng panibagong titulo sa lupang nahati.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.