Abante Tonite Interactive

Partehan ng minanang lupa

0 412

Let’s Clear It

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,

Ako po si Reynaldo. Mayroon lang po akong katanungan. Mayroon po kaming namana na lupa mula sa aming mga magulang. Naipasukat ko na po ang nasabing lupa sa apat na parte kabilang ang ibang mga kapatid ko po.

Ngayon ang tanong ko po ay paano po ang pagpapalipat sa aking pangalan ‘yung sukat na parte ko? Ano po ang unang gagawin ko at magkano po kaya ang aabutin nito para lang malipat na sa pangalan ko kasama na po ang estate tax kasi sabi ng iba mahal daw po ang state tax na babayaran ko dahil solo lang po ako magpapabukod ng titulo totoo po ba ito?

Sana masagot niyo ang aking katanungan.

Maraming salamat po,

Rey

Mr. Rey,

Hindi kasi nababayaran ang estate tax ng parte mo lamang. Babayaran ng buo ang naiwang ari-arian ng mga magulang mo kaya’t dapat kang makipagtulungan sa mga kapatid mo na kaparte sa magmamana dahil kasama ang share nila sa babayaran na estate tax.

Ipa-compute mo muna dahil kasalukuyang may tax amnesty para sa estate tax na tatakbo ng 2 taon simula pa noong June 2019. Samantalahin ninyo na at mas makakatipid kayo para tuluyan na ninyong maparte ang share ninyo mula sa mana sa magulang.

Gumawa muna kayo ng extrajudicial settlement of estate at ilagay na ninyo ang parte na napagkasunduan upang kapag nabayaran na ninyo ang estate tax at nilakad na sa Register of Deeds ay maaari ng kanya-kanyang titulo ang maibigay sa inyo.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922-0245 o 514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.