Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Partido Reporma: Karanasan ni Ping tugon sa problema ng Pilipinas

0 118

Hindi na kailangan pang mag-isip ng mga solusyon sa paglutas ng problema ng bansa dahil mismong ang mga karanasan niya sa paglilingkod sa gobyerno ang susi para malutas o matugunan ang mga ito.

Ito ang mga katagang binitiwan ni Partido Reporma Spokesperson at dating Congressman Ace Acedillo bilang pagsasalarawan kay Partido Reporma standard bearer Ping Lacson sa panayam ng programang ANC After the Fact.

Ayon kay Acedillo, hindi maganda ang pagtugon ng gobyerno sa mga problema at kagipitang dinaranas ng bansa sa panahon ng pandemya dahil ang namumuno sa bansa ay diskarteng pang lokal na pamahalaan ang alam.

Ito ay taliwas aniya sa karanasan ni Lacson na matagumpay na naisaayos ang mga pambansang ahensya na pinamunuan at inaniban.

Si Lacson ay naging pinuno ng Philippine National Police (PNP) at naging miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa mahabang panahon magpahanggang sa kasalukuyan.

“Taking off from the point of the seeming lack of experience on the national stage of the elder Duterte, it has played a very big role in the mess we are in, so experience is not enough, we have to talk about relevant experience,” banggit ni Acedillo nang tanungin siya kung bakit dapat na ang Lacson-Sotto tandem ang iboto ng sambayanan sa darating na halalan.

SM food to go Banner Ad

Hindi aniya maikakaila na masama ang pagtugon ng gobyerno sa pandemya dahil hindi tugma ang karanasan o kakayahan ng kasalukuyang pamunuan.

“In the Philippines’ case, we did very badly when the President’s sole background was local politics, and we see this play out anytime and anywhere. We potentially have two mayors running for the highest office, so I can see the same situation playing out,” dagdag ni Acedillo.

Si Lacson ay mayroong higit sa sapat na karanasan sa larangan ng pagpapatupad at maging sa pagbalangkas ng mga batas lalo na ang patungkol sa pambansang gastusin ayon pa rin kay Acedillo.

“When he led the PNP, the police force enjoyed its highest approval rating, so if he can manage and turn around a problematic organization like the PNP, imagine what he can do as President,” dagdag ni Acedillo.

Tiniyak din ng tagapagsalita ng Partido Reporma na ang kakayahan katapatan at katapangan ang magiging pangunahing batayan sa mga magiging miyembro ng gabinete sa ilalim ng Lacson presidency.

“This is perhaps the most surprising thing of a Lacson presidency, you will not see a proliferation of former officers, as you can expect him and Tito Sotto to look for these three premier qualities of their campaign, which are integrity, competence, and moral courage. He will expect the same from his appointees,” banggit pa ni Acedillo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.