Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Partner ni Jennylyn: Lloydie mas bet kesa kay Xian

0 232

ROMMEL PLACENTE: Alam naman natin mga ka-Cuatros na wala na si Xian Lim sa pangangalaga ng Star Magic noon pa at ang Viva Artist Agency na ang humahawak sa kanyang career.Kaya naman puwede na siyang mapanood sa mga show ng Kapuso network,di ba?

Hayan na nga at may gagawin na siyang teleserye rito na ang makakatambal niya ay si Jennylyn Mercado. Ang working title nito ay ‘Love Die,Repeat’.

Bongga si Xian dahil sa unang show niya sa nasabing network ay si Jennylyn agad ang ibinigay na kapareha niya. Itinuturing si Jen na isa sa hottest stars ng Syete.At award-winning actress pa. Kaya siguradong mapapalaban si Xian sa pag-arte sa girlfriend ni Dennis Trillo.Pero kaya naman niyang makipagsabayan dito dahil mahusay rin naman siyang aktor.In fact,may acting award na siyang natanggap. Naging Movie Supporting Actor siya sa PMPC Star Awards For Movies noong 2017 dahilsa mahusay niyang pagganap bilang nag-iisang anak ni Vilma Santos sa pelikulang ‘Everything About Her’.

MILDRED A. BACUD: Wala namang kuwestyon na nag-uumapaw sa chemistry sina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz. Naging hit movie nga nu’ng 2016 ang pelikula nilang ‘Just The 3 Of Us’ under Star Cinema. Sa pagtawid ng aktor sa Kapuso network , marami kaagad ang nakaabang sa reunion project nila. Pero baka hindi muna kasi nga ang balita ay itatambal muna ang aktres kay Xian.

Ang malaking tanong ng ilang netizens may chemistry ba? Wala naman makakapagsabi hanggang di natin makita na magkaeksena sila on screen.

Pero sa kahiligan kong manoood sa KDrama at Chinese Drama, laging patok ang tambalan ng isang guwapo at matangkad na lalaki sa isang simple at magandang babae. Kaya tingin ko mga ka- Cuatros may spark naman.

Kung titignan nga parang walang chemistry sina JM de Guzman at Janine Gutierrez. Pero nang pagtambalin sila sa ‘Maalalaa Mo Kaya’ ang gaganda ng feedback ng mga televiewer.

RODEL FERNANDO: Hindi na ako nabigla sa paglipat ni Xian sa Kapuso Network.

Mas gusto ko na itambal siya kay Jennylyn. Tama na muna kay John Lloyd kasi nagkasama na sila dati.

Of course, ang unang sasabihin ay magki-klik kaya ang kanilang tambalan kung sakali? Sa pakiramdam ko naman mga Ka-Cuatros ay magiging okey naman at tatangkilikin sila.

Maganda rin kasi na bagong putahe ang mapapanood ng publiko. Ngayon palang ay sigurado na ang pag-aabang ng kani-kanilang mga fan. Winner ito pag nagkataon. Pero sana ay paghandaan ng GMA 7 ang magiging proyekto nila. ‘Yung hindi mamadaliin na basta lang mabigyan ng project si Xian sa paglipat nito.

ROLDAN CASTRO: Marami talaga ang nag-aabang at nasasabik sa balik-tambalan nina John Lloyd at Jennylyn.

Pero malabong mangyari ‘yan ngayon dahil balita namin ayaw pa ni Lloydie na gumawa ng serye.

Sa true lang, bagay ang dalawa sa sitcom dahil subok na sila sa romance-comedy movie. Keri ni Jen maging kikay.

Winner ang Kapuso pag nagkabalikan sina Jen at John Lloyd sa isang sitcom.

At least, magaan lang yan sa schedule ni John Lloyd at hindi ngaragan.

True, marami ang may bet na unahin ang John Lloyd-Jennylyn project kesa kay Xian.

Pero bagong formula pag si Xi ang ka-partner ni Jen.

Challenge sa aktor na isang mahusay na aktres ang katambal niya.

So,bigyan natin ng chance.

Leave A Reply

Your email address will not be published.