Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Partner ni Lucio Tan blacklisted sa US

0 192

Damay ang partner ng MacroAsia Corp. ni Lucio Tan sa mga paparusahan ng Estados Unidos dahil sa papel nila sa militarisasyon sa West Philippine Sea, particular na sa pagtatayo nito ng mga outpost ng China sa lugar na ikinasira ng karagatan.

Ang China Communications Construction Company (CCCC) ang partner ng MacroAsia sa Sangley Airport project na inaprubahan ng lalawigan ng Cavite nitong Pebrero lang at lima sa mga kompanya nito ang naka-blacklist sa US: ang CCCC Dredging Group Inc., CCCC Tianjin Waterway Bureau, CCCC Shanghai Waterway Bureau, CCCC Guangzhou Waterway Bureau, at CCCC Second Navigation Engineering Bureau.

Sabi ni US Commerce Secretary Wilbur Ross, malaki ang papel ng mga kompanya sa umiigting na tensyon sa rehiyon na pinalala pa ng pagtayo ng mga ito ng artificial islands sa lugar at dapat silang panagutin.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa limang kompanya ng CCCC, 19 pang Chinese companies ang nilagay sa blacklist ng US.

“[His] main consideration is what is best for the country’s Build, Build, Build program,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Reaksyon naman ito ng Palasyo sa naging aksyon ng Amerika na magbibigay ng sanction at restriksyon sa mga Chinese state-owned firm.

Ayon pa kay Roque, “We hope that both partners of the Philippines will be able to draw an understanding… This outcome will help further enhance greater stability and security in the region. This is what is needed for the mutual benefit and interest of everyone in our region.” (Eileen Mencias/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.