Abante Tonite Interactive

PARTY ATMOSPHERE SA SEXIEST SPORT NG OLYMPICS

By
15

RIO DE JANEIRO (AP) — Naglunoy ang mga kalalakihan at kababaihan, paigsihan ng swimsuits, sa tubig. Ang iba, nakahilata sa mga nilatag na tuwalya, o kaya ay sumisipa-sipa ng soccer ball sa Copacabana Beach.

Marami rin ang nasa lilim ng malalaking payong sa open-air kiosks habang namumulu­tan at umiinom ng beer o local sugar cane cocktail na caipirinha.

Sa loob ng Olympic beach volleyball venue, ­fiesta atmosphere din.

Habang humahataw ang DJ ng samba beat at libu-libo ang nagtsi-cheer sa kanilang hometown teams, bumalik ang sexiest sport ng Olympics sa spiritual home nito noong Sabado sa opening session.

Madaling naipanalo ni defending champion Kerri Walsh Jennings ng US at bago niyang partner na si April Ross ang opening match, 21-14, 21-13, laban sa Australia. Nagsimula ang match 12:34 a.m. at natapos sa loob lang ng 35 minutes.

Naipanalo rin nina Americans Casey Patterson at Jake Gibbs ang kanilang opener laban sa Qatar 21-16, 21-16.

Nagkantahan ang fans, winagayway ang kanilang bandila at pinalakpakan ang kani-kanilang teams sa apat na matches bandang umaga. Sumisipa ang players sa buhangin sa pag-dive sa bola, nagyayakapan at nagha-high-five kapag nakakapuntos, at sumasaludo sa fans pagkatapos ng matches.

“I love South American fans, and I love how the people love sports,” ani Gerogiana Klug ng Argentina, talo sa opener kasama si Ana Gallay nang yumuko sa Spain sa straight sets. “All the singing, dancing – it makes me feel like home.”

Nasama ang beach volleyball sa Olympic program sa Atlanta noong 1996, pero sa karamihang Summer Games ay artipisyal ang venue na ginawa lang sa park o parking lot, tone-toneladang buhangin ang tinatambak para mabuo ang playing surface. Sa unang pagkakataon sapul noong Sydney 2000, balik sa actual beach ang sport.

Pinakamalaking crowd at pinakamai­ngay ang supporters nina reigning world champ­ions Alison at Bruno ng Brazil, tinalo ang Canada sa straight-set pero manipis na 21-19, 22-20.

Sa isa pang morning session, tinalo ng Austria ang Costa Rica sa straight sets.