Abante Tonite Interactive

Party-list coalition suportado ang President’s choice na Speaker

0 209

Nakahanda umanong suportahan ng 54-man Party-list coalition ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumayong House Speaker.

Ayon kay Party-list Coalition President at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, nirerespeto ng lapian ang desisyon ng Pangulo na suportahan ang term-sharing nina Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“For the President’s choice kami,” sabi ni Romero.

Gayunman, nang tanungin kung suportado nila sa pamamagitan ng bloc voting si Cayetano, “Yes, for now,” ang naging sagot ni Romero.

“For the 15th months, for now. Hindi natin alam kasi what will happen,” sabi nito.

Mabigat umano sa party-list bloc ang magiging botohan sa Hulyo 22 gayunman, hindi nila puwedeng suwayin ang desisyon ng Presidente.

Samantala, dapat umanong suportahan na lang ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong resolbahin ang isyu ng Speakership sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Senador Francis Tolentino, natuldukan na umano ang usapin ng term-sharing sa House Speakership. “Nagsalita na ang ating Pangulo, pero napakalakas na ally ang kakampi si soon-to-be Speaker Alan Peter Cayetano kaya maganda na rin,” sabi ni Tolentino sa panayam kahapon. (JC Cahinhinan/Dindong Matining)