Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Party-list cong dinemanda sa Ombudsman

0 290

Sinampahan ng mga reklamo sa Office of the Ombudsman ang isang party-list congressman dahil sa patuloy umanong pananatili sa kanyang puwesto bilang presidente ng isang electric cooperative.

SM food to go Banner Ad

Batay sa 15 pahinang sinumpaang reklamo na inihain sa Ombudsman, iginiit ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (Nasecore), sa pamamagitan ng kinatawan nitong executive director na si Rafael Acebedo, na nilabag diumano ni Philreca party-list Rep. Presley de Jesus ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa paghawak ng iba pang puwesto kahit miyembro na siya ng Kongreso.

Base pa sa reklamo na inihain noong Mayo 10, hindi pa rin umano binibitiwan ni De Jesus ang kanyang posisyon bilang presidente ng Board of Director ng Isabela-I Electric Cooperative Inc. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.