Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Party list Rep. Aglipay, winawasak ang intitusyon ng Kamara

0 115

Nakakalungkot na isang partylist Representative ang nangunguna ngayon na sumisira sa kabuuan ng imahe ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Matagal ng may bahid ang imahe ng mga Kongresista at ang persepsiyon ng publiko ay mga “tuta “ ito ng Malacanang o sunod sunuran sa dikta ng isang Pangulo na nakaupo.

Sa ngayon ay maayos naman ang pamumuno ni House Speaker Lord Allan Velasco sa kabuuan at mabilis naman naaksiyunan ang mga panukalang batas para sa interes ng taumbayan pero hindi naman maaring pakialaman ang diskarte ng bawat Kongresista na namumuno sa bawat komite.

Ang ating tinutukoy na tila nagwawasak sa institusyon ng Kamara ay si Diwa Partylist Rep. Michael Aglipay na chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability dahil sa mga aksiyon nito na puwdeng maging persepsiyon ay nag aabogado o nagdedepensa sa kontrobetsiyal na kompanyang Pharmally na kahiy mahigit 600,000 lang ang kapital ay nakasungkit ito ng mahigit sa 8billion pesos na kontrata.

Sa mga pagtatanong ni Aglipay ay tila lumilitaw kung sino ang nais nitong protektahan at hindi ang taumbayan .

Isang halibawa dito ay ng tanungin ni Aglipay ang opisyal ng Department of Health (DOH) kung may nagkasakit ba o may namatay na healthcare worker sa pag susuot ng expired ng medical grade face shields.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sagot naman ng Taga DOH ay sa kanilang pagkakaalam ay walang nagkasakit o namatay sa face shields.

Halimbawa ay makakain kaya ng expired na pagkaing de lata si Aglipay at matapos nito maubos ay nagreklamo siya sa binilihang tindahan at matatanggap ba nito kung sasagutin siya ng tindahan na nagkasakit ka ba o namatay?

Bukod sa pagwasak ni Aglipay sa image ng Kamara ay sinira na rin nito ang tradisyong inter parliamentary courtesy sa pagitan ng mga Senador at Kongresista.

Sinasabi kasi ni Aglipay na pamumulitika lang daw ang imbestigasyon ng Senate sa mga alegasyonng katiwalian sa pagbili ng medical supplies sa kompanyang Pahrmally ng DOH sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).

Kung nais no Aglipay na i absuwelto ang kompanyang Pharmally at magsipsip sa Malacanang ay huwag na nitong idamay ang Senado ..

Kung ikukumpara naman sa mandato ay mas maraming bumoto at milyon milyonng botante ang nagtiwala sa mga Senador kumpara sa partylist ni Aglipay na hindi nga umabot sa kalahating milyong boto ang nakuha nito sa nakaraang 2019 elections.

Leave A Reply

Your email address will not be published.