Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Party sa taping sanhi ng COVID

0 769

Mañanita ang sinasabing dahilan kaya nag-COVID positive ang ilang involved sa taping ng isang teleserye.

Meron kasing isang nag-birthday sa cast at nagkasiyahan sila doon sa may lobby ng lugar kung saan naka-lock-in ang buong grupo.

Nagkainuman at party-party ang peg ng cast na sinamahan din yata ng ibang production staff.

Ang ending, may nag-positive sa coronavirus. At hindi lang isa kundi mahigit pa. Kalerky!

May ibang cast member daw na ayaw sanang maki-mañanita, kaya lang ay nakikisama siyempre sa grupo kaya naki-join na rin.

Related Posts

Ayun tuloy, apektado ang schedule ng taping ng teleserye. Planado na sana na sa ganitong petsa next month ay tapos na sila, pero dahil merong na-infect ay kailangan nilang magpa-test at magpa-quarantine bago makapagsimula ulit.

Dahil sa nasabing delay, ‘yung target date na dapat ay tapos na sila ay doon pa lang sila magre-resume ulit ng taping.

Ganu’n katindi ang epekto ng COVID sa mga nasa industriya na sinisikap pa ring magtrabaho under the new normal.

Hindi mo talaga alam kung sinong tatamaan ng virus. At kahit naka-lock-in sa taping ang grupo sa isang lugar ay posible pa ring may ma-infect lalo na kung merong ilan na hindi nag-iingat.

Bukod pa roon, tipid na tipid na nga sa budget ay dumadagdag pa sa gastos ‘pag may nagkakasakit dahil apektado ang buong produksyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.