Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parusa ang no vaccine, no ride policy

0 224

Walang patid ang pagtutol ng karamihan sa pagpapatupad ng Department of Transportation (DOTr) kaugnay ng “no vaccine, no ride” policy para sa pampublikong transportasyon.

Sinimulan ito noong Lunes, Enero 17, at nakaapekto sa mga mananakay, mga driver at maging sa mga awtoridad. Kasi ba naman, haharangin ka at kapag nagpakita ka ng vaccine card at hindi ka naman fully vaccinated, pababain ka dahil bawal nga daw.

Kung tutuusin, mali ang polisiyang ito. Tila may bahid ng diskriminasyon. Sabi pa ng iba anti-poor kasi nga naman, karamihan sa ating mga kababayan ay wala naman sariling sasakyan at walang choice kundi gumamit ng public transport.

Malinaw naman sa nakasaad sa ating Konstitusyon, may may equal protection at due process para sa lahat. Sabi nga ng isang mambabatas, ang pampublikong transportasyon ay isang pangangailangan at ang vaccination status ay hindi marapat na gamitin sa sinumang indibidwal upang pagkaitan siya na makasakay sa alinmang pampublikong transportasyon.”

Kaya tinatawag na pampubliko, dapat walang diskriminasyon. Ang public transportation para din yang public utilities tulad ng tubig, kuryente, telekomunikasyon kung saan iniaalok ito na walang diskriminasyon.

Kaya nga sa halip na ipatupad ng gobyerno itong “no vaccine, no ride” policy sa pampublikong transportasyon, mainam na itigil na lang nila ito at ituon ang kanilang enerhiya sa pagresolba sa problema sa ‘unequal access’ sa bakuna.

Iyong ibang lugar kasi talagang kulang sa bakuna kaya ang iba marahil diyan natatamad pumunta sa vaccination center dahil iiskedyul pa ang kanilang bakuna. Pero kung sapat ang supay nito, kahit walk-in ka lang, agad kang mababakunahan.

Sa tingin ko naman maraming gusto magpabakuna kaya lang naiinis sila sa sistema. Bukod sa hindi equal ang access para dito, mabagal ang proseso kaya ang iba natatamad na bumalik sa vaccine centers.

Isa pa siguro rason kung bakit marami pang hindi nababakunahan ay kulang gobyerno sa vaccinationa drive. Dapat paigtingin pa nilang mabuti para malinawan ang mga hindi pa nababakunahan.

Pinakainam din siguro na ilapit na natin ang bakuna sa tao. Halimbawa, mag-house-to-house. Iyong drive thru vaccine sa Manila ni Mayor Isko Moreno maganda ring halimbawa iyon.

Mainam rin magtayo ng maraming vaccinate center halimbawa sa mga transport terminal at iba pang lugar. Kailangang marami talagang vaccine center para hindi na pumila o magtagal ang tao.

Parusa talagang itong no-vaxx, no-ride policy sa mga mahihirap, sa ating mga kapwa manggawa kaya nararapat lang na bawiin ito. Wala naman silang sariling sasakyan, gusto lang nilang mag-hanap tapos pagkakaitan mo makagamit ng mass transport. Mukhang hindi tama, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.