Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parusa sa iligal drag racing

0 226

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga lalahok sa iligal na drag racing.

Ayon sa panukalang Illegal Drag Racing Ban Act (House Bill 8916) na akda ni Quezon City Rep. Precious Hipolito Castelo, ituturing na iligal ang isang drag racing o karera kung ginawa ito ng walang pahintulot sa mga ahensya ng gobyerno o lokal na pamahalaan.

Related Posts

Ang mga lalahok sa iligal na karera ay makukulong ng isang taon at pagmumultahin ng P300,000 hanggang P500,000.(Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.