Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parusa UST, NU nakabitin

0 61

Maliwanag na nagkaroon ng bubble training at practice sa kasagsagan ng quarantine dahil hindi ikinaila ng mga sangkot na University of Santo Tomas men’s basketball team at National University women’s volleyball squad.

Pero para kay Commission on Higher Education (CHED) commissioner Prospero de Vera III, dadaan pa rin sa due process ang mga sangkot kaya ayaw muna niyang pag-usapan ang magiging kaparusahan ng bawat isa.

Ipinahayag ng opisyal sa online press conference nitong Lunes na isinagawa ng Philippine Sports Commmission (PSC), na ibinigay na nila ang mga report sa Department of Justice, (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) kaya hihintayin nila ang mga panig ng dalawang pamantasan bago magpalabas ng sanction.

“We want to have due process. We have submitted it this morning and we’ll await for the proper actions with respect to the violation of IATF rules,” hirit ni De Vera, na nakasama ang PSC, Department of Health (DOH) at Games and Amusements Board (GAB) sa pagpasa ng fact finding sa DOJ.

Ang DOJ at DILG ang mag-iimbestiga sa UST Growling Tigers at NU Lady Bulldogs na mga nag-training bubble sa Sorsogo at practice sa Calamba. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.