Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parusang kamatayan 50-50 sa Senado – Zubiri

0 74

Kung si Senate Majority Leader Miguel Zubiri ang tatanungin, hati pa ang mga senador tungkol sa pagbabalik ng death penalty sa bansa.

“Kung magkaroon ng botohan, I think 50-50 `yong chance pero hindi natin haharangan ito. Kung gusto nila pagdebatihan ito, puwede naman,” pahayag ni Zubiri sa panayam sa radyo.

Nabuhay ang usapin sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa matapos na paslangin ng isang pulis ang mag-inang Sonya at Frank Gregorio sa Paniqui, Tarlac.

Paliwanag ni Zubiri, mas dapat munang pagtuunan ng pansin na maayos ang sistema ng hustisya sa bansa bago ipasa ang death penalty.

“Kasi dito sa criminal justice system natin, `yan ang problema, napakaraming problema pa. May korapsyon, may maling hatol. Kapag patay na kayo, hindi na kayo puwedeng buhayin ulit,” giit ni Zubiri.

Inakyat na sa Senado ang death penalty bill matapos pumasa sa pinal na pagbasa sa Kamara noong 17th Congress subalit hindi ito naaprubahan ng mga senador. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.