Abante Tonite Interactive

Parusang kamatayan sa drug trafficking ibabalik ni Sotto

By
1,265

Positibo si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may mala­king pag-asa ngayon ang pagpapasa ng pagbuhay sa Death Penal­ty sa high level drug ­trafficking.

“Kung ang pag-­uusapan natin ay ibalik ang death penalty for high level drug trafficking, payag ako,” saad ni Sotto.
Gayunman, kung isisingit aniya ang iba pang krimen sa ipinapanukalang death penalty ay hinikayat nito ang lahat na pag-aralan muna itong mabuti.

Ipinaliwanag ni ­Sotto na may mga krimen naman na maaaring resolbahin sa pamamagitan ng iba pang parusa at hindi kinakailangan ng parusang kamatayan.

“Ngayon kung ‘yung ibang krimen na isinasama nila katulad nu’ng nangyari sa amin nu’ng araw nu’ng ako ang principal author ng reimposition death penalty on drug trafficking e, sinamahan ng ibang krimen, e pag-aralan nating mabuti. Kasi ‘yung ibang krimen na binabanggit nila ay may remedy as far as the prosecution is concerned,” paliwanag ni Sotto.