Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Parusang kamatayan vs drug lord lulusot

0 105

Nakikita ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III ang posibleng pag-apruba ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ngayon taon sa panukalang batas na magbabalik sa death penalty kung ito’y para lamang sa mga high-level drug trafficker o mga drug lord.

“Karamihan sa kanila payag at saka ang mga ‘di pabor sa death penalty pumapayag kapag ‘yon lang [mga drug lord]. Example si Senator [Aquilino] Koko [Pimentel III]. Nag-usap na kami,” sabi ni Sotto sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Binigyang-diin ni Sotto na kabilang ang death penalty bill sa mga prayoridad ng Senado dahil kasama ito sa mga napag-usapan sa Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Ani Sotto, nagpahayag na rin ng kahandaan sina Senador Ronald `Bato’ dela Rosa at Senador Manny Pacquiao na hawakan ang committee hearing para sa death penalty bill.

Sabi pa ni Sotto, kontra ang ibang mambabatas na ibalik ang parusang kamatayan dahil anti-poor.

“Ang punto ko high level drug trafficker lang, ibig sabihin drug lord lang, walang drug lord na mahirap. So ‘di puwedeng anti-poor,” paliwanag naman ni Sotto.

Sa mga nagsasabi na hindi umano “deterrent” o hadlang sa mga kriminal ang parusang kamatayan, sinagot ni Sotto na, “`Pag drug lord na-lethal injection mo you inhibit him from committing the same crime again.”

Hindi umano katulad ng ibang preso na napagdudusahan ang krimeng ginawa, ang mga drug lord kahit kalaboso na nagagawa pa rin mag-operate ng kanilang iligalidad sa loob ng bilangguan.

Samantala, sakaling hindi aniya makapasa ang death penalty, may alternatibong panukala siya kung saan ililipat ng kulungan ang mga presong sangkot sa mga karumal-dumal na krimen katulad ng mga drug lord.

“Ihiwalay natin heinous criminals ‘wag isama sa NBP, ihiwalay natin sila ng kulungan, walang cell site, walang kahit ano,” wika ni Sotto. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.