Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasa

0 110

Kamakailan ay nabigwasan tayo ng mga magkakasunod nabagyo. May mga lugar na palagi na lang natatamaan at binabaha, kung kaya ang mga naninirahan dito ay alam maski papaano ang gagawin sa sitwasyon kung dumating ang sakuna. Ngunit may mga ibang lugar na hindi naman madalas magkaroon ng baha ay binaha din ngayon. Dahil dito napatanong ang ating tagasubaybay. Hindi gaanong bumabaha sa lugar nila ngunit itong huling bagyo ay napakalakas at medyo pumasok na sa bahay nila ang tubig baha. Hindi sila nakahanda kaya madali ang nagakyat ng mga gamit na pwedeng isalba. Sa pagmamadali ay hindi niya namalayan na maaaring nabangga ang kaniyang hita dahil may malaking pasa ngayon dito at masakit at mahapdi ang lugar, nangingitim ng husto at magang maga pa. Ano ba ito, anoang maaaring gawin dito, lalala pa ba ito, aniya.

Hindi lang maaaring nabangga ang hita ng ating tagasubaybay, kung hindi talagang natamaan ito ng matindi dahil sa epekto ng nakita niya. Sa sobrang lakas ng bangga niya, ay nakuhangpumutok ng mga ugat sa paligid kaya tumapon sa labas ang dugo at namuo kaya may pamamaga. Hematoma ang tawag dito. Hindi na namalayan dahil sa sobrang taranta at magulo angpagiisip dahil prayoridad ang isalba ang mga gamit, hindinapansin ang ibang gamit, lugar, o mga bagay na nakahadlang samga oras na yun na maaaring tumama sa kaniya. At may kalakasan ito para pumutok ang mga ugat na tinamaan.

Dahil sa pangyayari, dapat ipahinga ito. Iangat ang paa ng gumanda ang daloy ng fluids pabalik sa puso, nang mabawasanang pamamaga. Maaaring bendahan, ngunit ang pinakamahalagaay lagyan ng ice compress. Yelo ang mahaaga dahil sa lamignito, magkakaroon ng vasoconstriction o liliit ang kalibre ng ugat ng mabawasan ang pagtapon ng dugo nito. ang tamangpaglagay ay 15 minutos kada dalawang oras. Kung hihigit pa dito, maaaring bumaliktad ang epekto na imbes na mag vasoconstict, ay mag vasodilate na mas aagos pa ang dugo at pwedeng lumala pa ang pagkapasa. Kaya ang warm compress ay nilalagay pagkatapos ng 24 oras pa. Kung matindi ang pamamaga, mga NSAID o non-steroidal anti inflammatosy drugs ang pwedeng inumin.

Madalas naman ay humuhumpa ang pamamaga, numinipis ang pasa, at nagiiba ang kulay depende sa tagal ng panahon dahilnasisipsip o naaabsorb naman ito ng ating katawan. Kasunod din nito ay ang pagbawas at pagkatanggal din ng kirot. Ngunit may pagkakataon na mas bumuo ito at hindi basta lumiit. Kung lumaki masyado at may kasama pang hirap at kirot sa paggalaw, baka kailanganin pang maoperahan at mag evacuate ng hematoma para mas mapabilis ang paggaling at makakilos agadng maayos.

SM food to go Banner Ad

May mga sitwasyon na kailangan nating magmadali, ngunithuwag natin ibalewala na i-survey ng maayos ang lugar nangmaiwasan ang mga maaaring makasakit sa atin. Ito’y para hindina madagdagan pa ang problema natin.

Hanggang sa susunod na Huwebes! Stay Healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa

Leave A Reply

Your email address will not be published.