Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasabog 2020:Mga artistang kinasal, nagka-baby

0 358

NI: ARCHIE LIAO

Enero pa lang nagkaroon na ng senyales na hindi magiging magaan ang pasok ng 2020 sa bansa.

Pumutok ang bulkang Taal na nagdulot ng malaking pinsala sa mga Batangueno at mga karatig na lugar.

Lumaganap ang COVID-19, nagkaroon ng lockdown, naapektuhan ang mga negosyo at kabuhayan.Marami ang dumanas ng pagkapraning at depresyon dahil sa pandemya.

Hindi pa man, natatapos ang taon, nanalasa ang sunod-sunod na bagyong kumitil ng maraming buhay. Kaakibat nito ay pinsala sa mga ari-arian, imprastaktura at hanapbuhay sa Kabikulan, Cagayan, Marikina , Rodriguez, Rizal at iba pang panig ng bansa.

Gayunpaman, sa kabila ng dinanas na sunod-sunod na dagok at kanegahan, may mga mabuting balita pa rin namang hatid ang 2020 lalo na daigdig ng showbiz.

Ina join sa wedding 2020

Ito ang taon ng kontrobersyal na kasalan ni Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli na naging maingay dahil sa pagsugod ni Mommy Divine at sa insidente ng pisikalan ng Fil-Italian actor sa bodyguard ng Popstar Royalty.

Dito rin nagpatali ang Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez .dalawang beses silang nagpakasal sa Batangas at hometown ng beauty queen sa Subic.

Sa panahon ding ito, ginanap ang civil wedding nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na ang pabolosong paghahanda ay naapektuhan sa pag-entrada ng COVID-19.

Sa taon ding ito, nagpalitan ng ” I dos”sina Joyce Pring at Juancho Trivino, Sheena Halili at Jeron Manzanero, soul singer

Jay-R at Mica Javier , KZ Tandingan at TJ Monterde, Ina Feleo at Giacomo Gervasutti at Bettina Carlos at Mikki Eduardo.

Baby Boom

Ang pandemya ay panahon din ng baby boom sa showbiz.

Sinong mag-aakalang may himala na magaganap kay Assunta de Rossi nang ipanganak niya ang kanilang miracle baby ng ang ama ay ang dating congressman na si Jules Ledesma.

Ngayong taon din lumantad si Sofia Andres para kumpirmahin ang kanyang panganganak kay Zoe sa partner nitong si Daniel Miranda.

Marso 2 nang ipanganak ni Anne Curtis si Baby Dahlia sa asawang si Erwan Heussaff.

New Year’s Day naman nang iluwal ni Solenn Heusaff si Thylane courtesy of Argentinian husband Nico Bolzico.

Sa edad na 40, blessing din na maituturing ni Phoemela Baranda ang kanyang pagbubuntis courtesy of her partner Jason Chuachuy.

Ibinandera rin ni Regine Tolentino ang pagsilang ng anak nila ng partner niyang si Dondi Narciso sa kanyang third baby.

Ipinanganak naman ni Diana Zubiri si Baby Amira noong Setyembre sa kanyang asawang model-actor na si Andy Smith.

Noong Hulyo, winelcome rin nina Iya Villania at Drew Arellano si Baby Alana.

Opisyal na naging tatay si Carlo Aquino sa baby niyang si Enola Mithi sa non-showbiz gf na si Trina Candaza . Ganoon din kay JC Santos kay River Althea sa asawang si Shyleena Herrera Sinilang din si Baby Allie ni Simone Dominique, partrner ni Alex Medina.

Hulyo rin nang isilang sina Lilla Forest ( anak nina Isabel Oli at John Prats)at Skye Anakin (panganay nina Pancho Magno at Max Collins).

Buwan ng Setyembre, iniluwal ni Diane Medina ang baby na si Joaquin (courtesy of hubby Rodjun Cruz.)

Sa kaparehong buwan din ipinanganak ang first born nina Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari at ikatlong anak nina Lara Quigaman at Marco Alcaraz na si Moses Arc.

Oktubre naman, ipinanganak ni Ryza Cenon si Night sa partner nitong si Miguel Antonio Cruz.

Nanganak din sa taong ito sina Sheena Halili at Chariz Solomon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.