Abante Tonite Interactive

Pasabong ni Recto sa LPC

310

Inaasahan ang higit 100 entries sa ‘LPC Gaffers One-Cock Ulutan’ taya ang P40,000 sa air-conditioned Las Piñas Coliseum ngayon, Sabado, April 13.

Taon-taong pasa­­bong ito tuwing Mahal na Araw ng kilalang tagapusta at listador ni Las Piñas City Mayor Vergel Aguilar na si Pidio Recto.

May naimbitang mga kasali mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Muntinlupa, Makati, Pasay at Las Piñas ang host LPC Gaffers Association.
Garantisado ang P40,000 cash prize sa entry fee na P400. May bonus na P500 ang unang­ 20 winners.

Sa Huwebes, April 17, patok sa LPC ang ‘Tatlong Hudyo Huwebes Santo One-Cock ulutan’ taya ang P65,000 sa entry fee na P600.

Panlaban din ng LPC ngayong summer ang ‘Boss Alex 4-Cock Derby’ sa Apr. 24 na tinataya ang 60-70 entries.

Tawagan lamang sina Grace 1, Grace 2 at Julius sa 873-1040, 0929-1800960, 0939-1376455 at 0915-3582076 para sa iba pang mga detalye.(Enjel Manato)