Abante Tonite Interactive

Pasabong ni RMC CEO Ligon nilusob ng 200

286

Tuloy ang bigtime derby sa Metro Manila para sa fourth round eliminations ng “Hatawan Sa Tag-Ulan 5-Cock Derby” ngayong Huwebes ng alas-4 ng hapon sa Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Halos 200 entries na ang nasa pasabong na ito ni RMC chief executive officer Dennis Ligon.

Sisiyapol pa ang mga bagong kalahok sa 3-cock elims sa July 4, 11, 18 at 25 kung saan hahatiin ang P100,000 day prize ng three pointers.

Ang 2-cock finals ay Aug. 1 para sa mga iiskor ng 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may P400,000 sa 2 pts., at sa Aug. 8 para sa 3 pts.

Tinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet sa 5,500. Magsusubi ang champion handler ng P100,000 at ang gaffer ay P70,000.

Tawagan lamang para sa iba pang mga kabatiran ang opisina ng Roligon sa 519-7345, o sinuman kina Shirley at Capital Tiling sa 0920-9509090 at 0926-7134069. (Enjel Manato)