Abante Tonite Interactive

Pasahe sa bus, hiniling na itaas

By
3,585

Naghain na rin ng petisyon para sa pagtaas ng pasahe ang hanay ng mga bus operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kahapon.

Sa pitong pahinang petisyon ng Southern Luzon Bus Operators Association, Nagkakaisang Samahan ng Nangagasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas at Samahang Bus Transport Operators ng Pilipinas, humihingi ito ng P3.30 na fare hike sa mga non-airconditioned bus o magiging P13.30 mula sa dating P10 minimum fare habang P2.45 dagdag sa bawat kilometro.

Sa mga airconditioned bus, umaapela ang mga city at provincial buses operator na gawing P15.95 ang minimum fare mula sa dating P12 at dagdag na P2.95 sa bawat kilometro.

Ang mga ordinary provincial bus driver ay humihingi na gawing P11.95 ang minimum fare mula sa siyam na piso sa ordinary bus at dagdag na P2.15 kada kilometro.

Sa kanilang petisyon iginiit ng mga bus operator na kailangan na ang dagdag na pasahe dahil na rin sa tindi ng epekto ng TRAIN Law at mas mataas na presyo ng spare parts.