Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasahero ok siksikan; bawal kain, daldal, cellphone

0 40

Hindi naniniwala si National Task Force COVID-19 policy chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr na dadami pa ang kaso ng COVID dahil mas pinaluwag ang physical distancing.

Aniya’y hindi ito naman ito lalala kahit medyo magkakalapit ang mga komyuter.

Hindi rin umano ito kasing taas ng risk sa public transpo, hindi tulad sa mga opisina at sa bahay.

“With the protection ng face mask and face shield, no talking para no droplet. Dapat no talking, no eating, no use of cellphone. Yung iba like sa Japan, no talking pero dikit-dikit na (sa PUVs),” sinabi ni Galvez.

Pero nilinaw niya na dapat ay may tamang ventilation o pasukan ng hangin ang mga jeep.

“Lahat may risks. If we reduce to 1 meter to 0.75, may gagawin tayong risk mitigation. One is proper ventilation, dapat nagsi-circulate ang hangin. Ang MRT, sinisimulate na ng DOTr (Department of Transportation). Bago patakbuhin, may mitigation process. Dapat talaga, avoid the 3 C’s: crowding, close contact, and confined spaces,” sinabi pa ni Galvez.

Ayon naman kay National Task Force COVID-19 policy chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., hindi siya nainiwala na dadami pa ang kaso ng Covid dahil mas pinaluwag ang physical distancing. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.