Abante Tonite Interactive

Pasaherong pa-Baguio bangkay na dumating

68

Isa nang bangkay ang isang lalaking pasahero ng isang bus na patungong Baguio City.

Batay sa report, natagpuan ang bangkay na nakilalang si Domingo Batuyog, 69-anyos, residente ng Pinsao Pilot, Baguio City ng isang konduktor na nakilalang si Stanley Sibaen.

Nabatid na sumakay si Batuyog mula sa Dimasalang, Manila at habang nasa biyahe ay nakatulog ito ngunit hindi na nagising pa nang makarating ang sinakyan nito sa Dangwa Bus Station.

Ayon sa konduktor, nakita na lamang niya ang katawan ng pasahero na hindi na humihinga at matigas na.

Kumbinsido naman ang asawa ni Batuyog na natural death ang dahilan ng kamatayan nito at hindi na isinailalim pa sa otopsiya ang naturang bangkay.