Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaherong walang datung, pinakulong ng driver

0 289

Inihagis sa selda ang isang 34-anyos na lalaki matapos mag-round trip sa sinakyang taxi mula Pasig patungong Antipolo at pabalik ng Pasig para manghiram ng pera dahil walang pambayad sa taxi, kamakalawa sa Barangay Caniogan, Pasig City.

Sa report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Reynier Nazareth y Andres, 34, taga-Pasig City at nahaharap sa kasong estafa matapos ireklamo ni Elorde Roldan y San Buenaventura, 41, taxi driver.

Ayon kay Roldan, sumakay ang suspek sa kanyang taxi na may plakang UWD 581 bandang alas-11:30 Biyernes ng umaga sa harap ng Shell Gasoline Station sa C. Raymundo St., Barangay Caniogan at nagpahatid sa Masinag, Antipolo City.

Pagdating sa Masinag ay nakiusap ang suspek na bumalik sa Pasig para manghiram ng pera sa isang kaibigan dahil wala umano siyang pera. Pumayag naman ang driver at inihatid sa C. Raymundo St., Pasig City.

Doon na naghinala ang driver na pinaiikot lamang siya ng suspek at sa pangambang di mabayaran ang P1,535.50 metro sa taxi ay idiniretso niya ito sa Sub-Station 2 kung saan nakakulong ngayon ang suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.