Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaol aakyat sa pro

0 48

Hindi na nagpapigil sina Alvin Pasaol at Leonard Santillan na umakyat na rin sa professional basketball nang magsumite ng aplikanta para sa 36th PBA Rookie Draft 2021 sa darating na March 14.

Ang 6-foot-4 forward na si Pasaol mula University of the East ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) highest individual single game output record holder sa 49 points noong 2017. Nag-Petron-Letran at Marinerong Pilipino din siya sa PBA D-League bago nag-3×3 circuit at reigning No. 2 sa bansa ngayon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang kakampi niya sa 3×3 na si Santillan ay mula naman sa University of the Visayas at La Salle. Nag-Marinerong Pilipino sa PBADL at nasa ikaanim na puwesto sa bansa sa 3×3 ranking.

Kasabay ng dalawa na sumali sa draft sina Frank Johnson, Tyrus Hill at Troy Rike. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.