Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaol malakas boltahe – Black

0 187

Espesyal kay Norman Black si Alvin Pasaol.

May nakita ang coach sa rookie mula UE kaya tinapik agad ng Meralco bilang No. 9 pick overall noong nakaraang virtual 36th PBA Draft.

“I know what he can do,” ani Black Sabado sa Power & Play ni Noli Eala.

Sa lagay na ‘yun, hindi pa nakakakapag-scrimmage si Pasaol sa Bolts dahil bawal pa ang 5-on-5 bunga ng mas mahigpit na quarantine level.

Minsan nang umiskor ang bilugang 6-foot-2 guard/forward mula sa Davao ng 49 points sa isang laro ng Red Warriors sa 8th0 UAAP 2017-18.

“Natural scorer, natural confidence,” dagdag ni Black sa kanyang bagong recruit. “I’m not saying the game is easy for him, but at the same time, he knows he’s a good player. He knows he can score the basketball and he has the confidence that he can do that.”

Binigyan ng Bolts si Pasaol ng two-year deal, pampalakas sa frontline ng Bolts na may Raymond Almazan, Reynel Hugnatan, Cliff Hodge at bagong salta ring si Mac Belo.

Gusto ni Black ang pisikal na laro ni Pasaol, hindi takot makipagbanggaan.

“The thing about him I like the most is he’s a physical scorer,” panapos na sambit ng 11-time champion coach. “In other words, he can take contact and still score.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.