Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaol, Munzon pa-FIBA 3×3

0 249

Pagtutuunan naman nina Joshua Munzon at Alvin Pasaol kasama ang inaantay nilang Philippine Basketball Association (PBA) players na sina Moala Tautuaa ng San Miguel Beer at Christian Jaymar ‘CJ’ Perez ng Terrafirma, ang International Basketball Federation (FIBA) 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa May 26-30, 2021 sa Graz, Austria.

SM food to go Banner Ad

Ito’y makaraang pagharian ng dalawa ang katatapos na President Cup Chooks-to-Go 3×3 men’s basketball tournament bubble sa Inspire Arena sa Calamba, Laguna at mapanatiling 1-2 3×3 player ng bansa.

Kumakampanya pa sapul noong October 11 at malamang ikalawang linggo ng December sa 45th PBA 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Angeles Pampanga sina Tautuaa at Perez para sa Beermen at Dyip, ayon sa pagkakasunod. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.