Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaol sandata solid na depensa

0 129

GUSTO ni Meralco Bolts rookie Alvin Pasaol na makilala rin siya sa tindi ng kanyang depensa.

Kilala man bilang scoring machine ang former UE Red Warrior ay magbabago ang kanyang laro dahil aagapay rin ito sa depensa pagdribol ng ika-46 season ng PBA.

“Isa rin sa ipo-focus ko this coming season is my defense kasi kailangan talaga effective ako both ends,” kuwento ng 6-foot-4 forward sa Power & Play ni Noli Eala nitong Sabado.

“Kailangan ko ring dumipensa dahil isa sa best team ‘yung Meralco pagdating sa defense last season kaya nakapasok sila ng semifinals.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag pa nito, pupunuin lang ni Alvin ang mga kulang at butas ng koponan upang masalpakan ang kampanya sa kampeonato.

“Sa akin dadagdagan ko na lang’ yung kulang ng Meralco tapos tutulungan ko silang manalo,” aniya.

Tinapik ng Meralco ang 25-anyos na si Pasaol bilang ninth pick overall sa 2021 PBA Draft. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.