Abante Tonite Interactive

Pasaway na aktres isinusuka sa bagong serye

444

Isinusuka ang isang magandang aktres ng mga katrabaho niya sa isang bagong teleserye .

As in super-imbiyerna sa pa­saway na magandang aktres (PMA) ang production staff ng teleserye dahil bukod sa ang dami nitong request na kung anik-anik, hindi pa tapos ang cut-off time nito sa ta­ping ay bigla na lang itong umaalis sa set nang walang paalam.

Iritada rin kay PMA ang isa pang teleserye na pinanggalingan niya, kaya inalis muna siya sa istorya.

Ang tagal na raw ugali ni PMA ang pa-diva attitude na ‘yon kahit noon pang nasa isang network ito na walang masyadong nanonood.

At maging nang magtrabaho ito sa isa pang malaking network ay dala-dala rin ni PMA ang nakakabuwisit na ugali niya na ‘yon. Ang hindi niya alam ay sukang-suka na sa kanya ang production staff.

Ngayon ay usap-usapan siya ng mga katrabaho niya sa bago niyang teleserye.

Ang sabi ng staff ay baka nagme-menopause na ang hitad na si PMA kaya ganu’n ang ugali nito.

Kaya rin pala umalis kay PMA ang huli nitong manager ay dahil nga sa hindi kaaya-ayang ugali nito.

Ang sitsit na nakarating sa amin, palihim na nilalait si PMA ng mga nakakatrabaho nito dahil hindi naman daw ito marunong umarte.

So, ‘yun na! Huwag tayong magtaka kung patayin kaagad ang karakter ni PMA sa kasisimula lang na teleserye dahil sa sobrang pagkainis sa kanya ng co-workers niya!
Kalerky!