Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway na community pantry kakandado ng DILG

0 228

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipasasara ang mga community pantry na makikitaan ng paglabag sa mga ipinaiiral na health protocol, na maaaring magresulta sa hawaan ng COVID-19.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, magpapalabas sila ng advisory at memorandum sa mga local government unit (LGU) hinggil sa tamang pamamalakad sa mga community pantry na inisyatiba ng mga pribadong sektor at indibidwal.

Ayon kay Año, ang mga organizer ng mga community pantry ay dapat na makipag-ugnayan sa mga LGU upang epektibong maipatupad ang health protocol, mapanatili ang peace and order, at matiyak na ang mga ipinamamahaging goods ay makakaabot sa mga taong talagang nangangailangan ng mga ito.

SM food to go Banner Ad

Aniya, kung may makikitang paglabag sa health protocol ang isang community pantry ay magiging ground ito para ipatigil ang operasyon nito.

“Unang-una, magkakaroon dapat ng masusi at closer coordination ang ating organizer at saka LGU sapagkat unang-una dapat ma-implement ‘yung minimum health standard,” pahayag ni Año sa isang panayam. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.