Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway na COVID testing lab isumbong – Malacañang

0 159

Hinimok ng Malacañang ang publiko na isumbong sa mga awtoridad ang mga COVID testing laboratory na maniningil ng sobra sa itinakdang presyo ng gobyerno.

“I-report niyo sa amin kung ano `yong mga private labs na mataas ang singil na gumagamit din naman ng public labs, ipagbigay alam niyo sa amin `yan dahil hindi naman dapat na napakataas ng singil nila,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa online briefing nitong Lunes.

Sinuportahan naman ng Malacañang ang hakbang ng Department of Health (DOH) na isapubliko ang listahan ng mga COVID testing laboratory sa website nito at hiniling na isama rin ang extra fee para sa certification. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.