Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway na resto sa QC binantayan

0 205

Nasa 23 establisimyento ang muling sumailalim sa inspeksyon ng Quezon City government matapos silang mahuli na hindi sumusunod sa mga protocol tulad ng paggamit ng thermal scanner, logbooks para sa contact tracing, at paglalagay ng marker at signage para sa physical distancing at iba pa.

Ginawa rin ang surprise inspection bilang paghahanda sa pagtataas ng seating capacity sa mga ito sa ilalim ng general community quarantine simula Hulyo 21, ayon na rin sa pagpabor ng Department of Trade and Industry.

Ang mga kinatawan mula sa Business permits and Licensing Department (BPLD), QC Tourism Department (QCTD), Department of Public Order and Safety (DPOS), at QC Health Department (QCHD) ay nagsagawa ng lingguhang spot inspeksyon sa iba’t ibang mga restawran sa lungsod mula pa Hunyo 30 upang matiyak ang pagsunod sa mga patnubay sa dine-in na inisyu ng pambansa at lokal na pamahalaan.

“Dine-in restaurants, fast-food chains, and other food businesses are regularly monitored by our team to ensure they are abiding by the guidelines that will help protect their customers and staff,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.