Abante Tonite Interactive

Pasaway na taxi drivers, tutukan

By
14

Mukhang ramdam na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sakit na ulong hatid ng ilang pa­saway na taxi drivers.

Ito ay matapos na banggitin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Filipino community sa Myanmar na kanyang haharapin ang mga taxi driver na nang-1-2-3.

Gayunman ay aminado ang Pangulo na hindi niya sakop ang mga ito dahil pribadong sektor ang nagpapatakbo ng mga taxi pero darating aniya ang araw at tala­gang pipigain nya ang mga ito para mapatino.

Abante Hiring – IT dep

Mabuti naman at napagtuunan din ng pansin ng Pangulo ang problemang ito sa ilang taxi drivers.

Pero dapat ay hindi na hinaharap ng Pangulo ang ganitong problema dahil may mga ahensya at tanggapan ng gobyernong saklaw ang pagdi­siplina sa mga pasaway na mga tsuper ng taxi.

Kanya nga lamang tila sariling kusa ang mga naitalagang opisyal sa mga tanggapang nanga­ngasiwa sa mga taxi drivers kaya nagkalat pa rin ang mga haragang mga tsuper na kadalasan ay nambibiktima ng kanilang mga pasahero.

Sana sa pamamagitan ng binitiwang salita ng Pangulo ay magising ang mga tutulog-tulog na mga opisyal ng pamahalaan na hindi tumutupad sa kanilang tungkulin at simulan na ang pagdidisiplina sa mga taxi dri­vers na hindi marunong pumarehas kaya ang mga kaawa-awa nilang pasahero ang madalas na biktimahin.

Naniniwala akong kakayaning madisiplina ang mga pasaway na taxi drivers kung magseseryoso lamang ang LTFRB, LTO at MMDA sa pagkastigo sa mga ito kapag nakakagawa ng paglabag sa batas.

Huwag na sana hintayin pa ng mga iniluklok sa nasabing mga puwesto na ang Pangulo pa mismo ang kumilos para mapatino ang ilang pa­saway na taxi drivers dahil baka mauwi ito sa pagtanggal din sa inyo sa puwesto.