Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway sa EDSA Ferrari driver multa ng P150

0 786

Madali lang nakalusot ang isang nagmamay-ari ng luxury sports car na binagtas ang EDSA bus way, na para lang dapat sa mga city bus.

Pinahinto ng Inter-Agency Council for Traffic ang silver Ferrari 488 GTB sa innermost lane ng EDSA southbound, malapit sa Guadalupe Bridge sa Makati City nitong Sabado ng gabi.

Ang driver ay isang 26-anyos na lalaki mula Bataan, base sa kanyang lisensiya. Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pinaliwanag ng owner kung bakit ito nasa bus lane. Tiniketan ito at dahil sa paglabag sa traffic sign ay pinagmulta ng P150, malayo sa halaga ng isang Ferrari 488 GTB na mula P20 hanggang P30 milyon.

Ayon sa MMDA, P1,000 umano dapat ang multa sa paglabag sa ginawa ng driver pero, parurusahan na lang nila ang mga violator sa mas magaan nilang pagkakasala bilang konsiderasyon umano sa mga tao na naghihirap ngayong pandemya. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.