Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway sa face mask tigok

0 67

Patay ang isang Person Under Police Custody (PUPC) na nakulong dahil sa di pagsuot ng face mask matapos mahirapang huminga sa loob ng selda ng Manila Police District-Police Station 11 sa Binondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMCC) si Jesus Orbillo, 53, construction worker at taga-Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Nabatid sa jailer na si PCpl. Mark Anthony Toledo, ng PS 11, alas-4:45 ng madaling araw nang magreklamong nahihirapang huminga ang biktima kaya kaagad isinugod sa pagamutan.

Sa record ng pulisya, ang biktima ay inaresto noong Agosto 20 dahil sa kasong paglabag sa RO 8628 o manndatory use of facemask, Resistance and Disobidience in Agent of Person in Authority, Art.155 ng RPC o alarm and scandal at BP6 o Possession of deadly weapon.

Dinala ang bangkay sa Cruz Funeral para sa awtopsiya at safe keeping. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.