Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pasaway sa gun ban, 3,244 na – PNP

0 31

Muling nadagdagan ang rekord ng mga pasaway o nahuling lumabag sa ipinatutupad na gun ban ng Commission on Elections (Comelec).

Batay sa datos kahapon ng Philippine National Police (PNP), pumalo na sa kabuuang 3,244 ang nadampot na gun ban violators.

Sa nasabing bilang, 3,113 dito ay mga sibilyan; 60 security guards; 23 miyembro ng PNP; 22 miyembro ng AFP at 26 na iba pang violators.

SM food to go Banner Ad

Sa NCR ang pinakamaraming bilang ng nadakma na umabot sa 1,163.

Nakumpiska sa mga pasaway ang 2,521 bilang ng mga armas bukod pa rito ang 1,172 deadly weapons, 131 improvised explosive device at mahigit 15,000 mga bala.

Ang gun ban ay magtatapos sa Hunyo 8, 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.